About me
Well she wants to be the queen
Then she thinks about her scene
Pulls her hair back as she screams
"I dont really wanna be the queen"
- Train
Old posts
Meet My Friends
Seeing is believing
Sponsored Links
My Scheming Dad
October 11, 2005
Kahapon nagpunta kme nila Mamang at Papang sa SM para magpapiktyur para sa visa application namin. Kinailangang magantay ng isang oras para makuha ang finished product kaya’t napagusapang magikot at kumain muna ng tanghalian. Sa Superbowl kme napadpad dahil yun ang paborito ni Mamang. Habang lumalamon, sinimulan ni Papang ang madugong diskusyon ng motorsiklo. Tagal na ‘to nagbabadya at nagpaparinig sa nanay ko. Kesho mas matipid at mas iwas trafik. At para bagang gusto pa akong biktimahin, tinanong kung nagbibisikleta si BT kse tuturuan daw nya para magamit din ang motorsiklo. “Ano?! Hindi pwede! Baka gusto nyang maghiwalay muna kme. Ayokong mamatay sa kakaisip ng kung anong disgrasyang maaring mangyari!” Di ko alam pero di talaga ako mapalagay sa mga two-wheeled vehicles. Ika nga nila, pag bumili ka ng motor para mo na ring nilibing ang kalahati mong katawan
. Ang morbid pero may katotohanan. By now, mainit na mainit na ang pagtatalo ng mga magulang ko. Parehas silang may mga punto pero patawarin sana ako ng Amang Diyos dahil kinampihan ko nanay ko. Isa lang ang dahilan ko at ito ay, I inherited my bad ass driving skills from my 65-year old dad. Yung tipong ayaw magpatalo hangga’t nasa tama even it means getting into a car chase and a brawl. Shempre in the defense yung isa (pagtulungan ba naman ng dalwang babae) kesho magiingat naman daw. Natapos pa rin ang usapan sa…”asa ka pa.” Matapos kumain, kinuha ang bill at nagulat kmeng mag-ina nang naglabas ng pera si Papang para bayaran ang kinain. Malimit lang ‘to mangyare! Itzumkinduvamiracle!
Pagkalabas ng restawran dumerecho kme sa first floor ng nasabing mall. Iniwan namin siya showroom ng mga motor at kami naman ni Mamang naghanap ng bagong mga damit pang opisina. Nainip din kme pagkatapos ng ilang sandali at binalikan si Papang sa showroom. Nagpakitang gilas at parang may sarili kmeng salesman dahil pinakita lahat ng features nung gusto nyang motor. In fairness, may kagandahan ito at hindi pala sya yung naimagine kong motor na ginagamit ng mga delivery boys. May kalakihan ito pero hindi sya big bike tulad nung dati nyang motor. Ilang minuto pa ang lumipas at inaabot ko na ang credit card ko sa evil salesman…in slow motion. Puch, naka-one time big time si Papang. Lunch…Motorsiklo? Lunch…Motorsiklo? Lunch…Motorsiklo? Kahit ilang beses kong ulit-ulitin, they don’t add up!
Sabe nila, life begins at 40. So, 65 minus 40 is 25. Does that mean he feels that age right now and he just might get a tattoo, a leather jacket and grow his hair long in the next few years? While I, the 28 year old daughter feels and acts like his mom. Argh.
Ah, but the way he smiled! It melts my heart remembering. Somehow I’m glad that we bought it kahit na kabang kaba ako para sa kanya. Para syang batang nasasabik sa pagbukas ng mga regalo tuwing Pasko and seeing him happy makes me happy. How could a daughter resist?!


