About me
Well she wants to be the queen
Then she thinks about her scene
Pulls her hair back as she screams
"I dont really wanna be the queen"
- Train
Old posts
Meet My Friends
Seeing is believing
Sponsored Links
I Surrender
August 12, 2005The battle was concluded today and Apple Center won by Php3,000. Kaninang umaga kinekwentuhan ko si Mamang tungkol sa Battle of the Apples na naganap nuong narakaraang linggo. Maya maya lang eh gumulo ang plano, pero sa magandang paraan, dahil willing daw sya magpautang para maging all cash transaction ang pagbili. So tinawagan ko uli ang Apple Center at Mobile1 at tulad ng nakalaan sa unang linya ng entry na ‘to, nagwagi ang Apple Center. Iniisip ko kung kelangan kong tawagan ang Mobile1 para sabihin na ”break na kme” at nakahanap ako ng iba. Nagdadalwang isip ako kse sa isang linggong yun nagging masugid kong kausap si Ken ng Mobile1. Pero naisip ko rin na pagbumibili ako ng sapatos di ko naman binabalikan yung mga dati kong pinuntahan para sabihing nakabili na ako ng iba, da bah? Ang kumplikado nito guys! I don’t know what to say to Ken. “Sorry, I found someone better.” Or or or. “It’s not you. It’s me.”
Heniwi, dali-dali akong naligo at nag-ayang pumunta ng mall para bilhin na sa mas madaling panahon ang matagal ko ng inaasam. Tineks ko na rin si BT para inggitin. Hindi sumagot. Mukhang nabadtrip sa pangaalaska. Nakahingi pa ako ng discount sa mga ibanag bagay ang pangako ni Nor ay siya mismo magbibigay ng after sales service sa’ken pati na rin ng discocunt kung may bibilhin pa akong ibang gamit. Nag-a-upsell ang lola, in fairness. Pepwede sa kol center sales account.
Ang saya saya ko para akong niregaluhan ng bahay at lupa. Exag. It’s all worth it! Nagiisip ako ng pangalan para sa kanya. Suggestions are most welcome!


